
Another chapter is about to unfold...
CONSTANTINE was a great movie. that's all i can say. grabe, ang galing ni keanu reeves. he was very fit for the character. tulad ni rachel weisz, ang galing ng team up nila. though wala naman masyadong love story na lumutang, magaling ang naging combination nilang dalawa.
in the movie, mauungkat ang mga alam ng viewers tungkol kay GOD. di lang tungkol sa kanya, pati kay Lucifer at sa mga alagad nya.
ang ganda ng effects. dun lang ako nakakita ng vivid depiction of what hell really is.
si CONSTANTINE kasi ay isang exorcist. in the beginning of the movie, may pinuntahan syang teenage girl na sinapian ng demonyo. eto pa, kung tama ang pagkakarinig ko, Filipino family yung pinuntahan nya. nasabi ko yun because of two things: nung kinausap nya yung girl na sinasapian, ang sabi sa kanya, "patayin natin sya" tapos nung naalis na yung spirit sa kanya, maririnig sa background yung sinabi ng nanay, "ano bang nangyari sa 'yo?".
yun, e kung tama ang pagkakadinig ko. kasi nung narinig nung ibang nanonood, umingay ng konti sa moviehouse. siguro nagtatanungan din sila kung Tagalog ba yung sinasabi ng family.
sulit ang money kapag nanood ng CONSTANTINE. ang ganda ng story, ng effects, ng characters, lahat nagsama sama kaya ang ganda ng kinalabasan.